Fandom Forums - View Single Post - Ilonggo/ Filipino Thread
View Single Post
Old 04-14-2008, 12:06 PM   #1504
hakushiro
FUBAR
 
hakushiro's Avatar
 
Join Date: Nov 2007
Location: At the center of your universe.
Age: 27
Posts: 1,295
Thanks: 10
Thanked 71 Times in 64 Posts
hakushiro is on a distinguished road
Re: Ilonggo/ Filipino Thread

@bAtA: Eh? Akala ko 'yung pangalang mangagamit mo ay galing sa laro sa PS na "Tenchu". May kalaban kasi do'n, si Onikage. He's got these HUUUUUUUUUUUUGE freaky eyes and eyebags and wears an unidentifiable clump of rags around his waist as his "falda". He also only uses his feet to fight 'cuz his shoes have these blades on the heel part. Would you believe that ever since the world began, kalaban na siya dun sa "Tenchu"? Hanggang sa 5th installment ba naman nung game, and'un pa rin siya? Dem. Pa-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit ko na siyan pinatay, pero tuwing may bagong installment yung game, and'un na naman siya. Maijuana (masamang damo) talaga, oo, hirap patayin. Sabi nga ng kapatid ni Taguro (Ghost Fighter): "Bakit ayaw mong MAMATAY?"
...
Wala lang gusto ko lang mag-kuento. ^_^'
Bottom line? Walang originality yung pangalang mangagamit mo. =P

@tOtOy: Alam mo one of the reasons why the "ghosts" don't move on? Kasi they refuse to accept the reality that they're already dead...

Kaya tOtOy, tanggapin mong wala ka nang katawan lupa *kulog kulog*. H'wag mong i-deny ang sarili mo sa kalayaang nararapat sa'yo *kulog kulog*.
MOVE TO THE LIGHT!!!! *kidlat kulog kidlat kulog*

Eheh. Interested ka pala in paranormal things. Thing is, bloodline s'ya.

I'll tell you one story:
'Nung bata pa kami (mga 1935 'yon), nagkaroon ng german measles outbreak sa Pilipins. Maraming namatay 'nun kasi traydor na sakit ang German Measles (nangba-backstab). Yung sakit kasi, at first walang malalang symptoms and then suddenly zooms off. Para bang sasakyang 1 oras naka-primera tapos in point 3 seconds 240kmh na siya bigla. So kailangan, sinat pa lang, pinapa-ospital na yung bata.

All of a sudden, my elder sister got it. Sinat muna. Hindi naman kami ina-larma ng nanay ko, kasi sabi n'ya sinat lang daw talaga. So fine, laro pa rin kami ng laro. Kinagabihan, pumalo ng 47 ang body temp ng ate ko. It was a disaster. Nagpanic talaga kami, especially my dad. My mom was still pretty calm about it, hindi namin dinala man lang yung ate ko sa malapit na general practitioner's clinic.

Kinabukasan, the measles broke out. Alas-7 ng umaga ginising ako ng nanay ko para manguha ng damo. Pinakita pa nga n'ya sa'kin yung damo, eh. It had all the features of any grass, pero it had a little white bobble for a flower and mabango siya (tao? siya?). Kung tutuusin, pwede namang yung mom ko na lang ang manguha, andami naman sa garahe, eh, kahit nga sa garden n'ya meron. Pero ang instruction niya sa akin: Manguha sa lote na katabi ng bahay namin at siguraduhing basa 'yung bobble/flower ng grass. So 'yon nga ang ginawa ko.

Nung nakapanguha na ako, binigay ko sa kanya 'yun (natural), tapos sinunog n'ya yung damo. 'Yung abo, nilagyan n'ya ng lana (bisaya ka, dapat alam mo kung ano 'yung lana) tapos ipinahid niya sa talampakan at palms ng ate ko.

Kung susumahin, parang ordinaryong "albularyo" tricks lang, 'di ba? Pero guess what she did next: Sumugod siya 'dun sa empty lot which was on the other side of the house ('yung empty lot na pinangalapan ko ng damo was on the other other side) na may dalang itak and then she hacked away at the ipil-ipil tree there like mad. Galit na galit siya, and all the while she was screaming, "AKALA MO HINDI KO MALALAMAN?! IKAW 'YUN! TRAIDOR KA! HINAYAAN NA NGA KITANG TUMIRA D'YAN TAPOS NGAYON SASAKTAN MO ANAK KO?!! TRAIDOR KA! LUMAYAS KA!" And then when the tree finally fell, she looked at me and told mo to hack the tree up good. Later on she told me, matagal na raw 'yung "entity" doon, pero nauna kami. Hindi na raw niya pina-alis kasi hindi naman daw kami sinasaktan ('yung loteng kinatatayuan ng ipil ay madalas naming paglaruang magkakaibigan. Ina-akyat pa namin 'yung katabi nung puno ng bayabas). Pero traidor daw, eh, kaya pinalayas na n'ya.

Freaky, huh? I've seen far more freakier things.

But the thing is, I have to act like a completely normal person kasi "we're in the computer age na, paranormal things are things of the past". So there. ^_^' I hope this doesn't change anything. Sana I'm still your fiendly NL neighborhood superhero.

@Azumi: My pop's from Loboc. We're a prominent clan there, the Sarigumba clan. My mom's from Panglao Island. Beautiful place.

At hindi kami nag-aaway, don't get us wrong. We're very friendly-friend-friends with each other kahit parang nag-aaway na kami. Although occasionally, we have to resort to breaking a few bones in order to settle some... misunderstandings... 'Di ba mga bata?
(@bAtA and tOtOy: Um-oo na lang kaya kung ayaw n'yong tirahin ko ang solar plexus n'yo.)

Oy, people, bigyan n'yo naman ako ng Red, oh. Dagadagan n'yo yung nag-iisang Red ko, please? Sige na, bibigyan ko kayo ng Green.
__________________
The march of the human mind is... painfully slow.

Last edited by hakushiro; 04-14-2008 at 12:18 PM.
hakushiro is offline   Reply With Quote