Fandom Forums - View Single Post - Official Tambayan at NL (Filipino Thread)
View Single Post
Old 09-17-2009, 07:53 PM   #6484
Azumi
유아쿨입유캔리드디스
 
Azumi's Avatar
 
Join Date: Oct 2005
Location: In the land of rubbershoes and dirty ice cream... ;o)
Posts: 3,701
Thanks: 730
Thanked 354 Times in 271 Posts
Azumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really nice
Re: Official Tambayan at NL (Filipino Thread)

@aturneh: lolz Mafia ba yan? lol

Okay... so pwede bang magkwento uli? Walang sasagot ng Hindi kundi malilintikan s kin... tsaka panget for real ang papalag. So eto na yun...

Kagabi, nagsimula ang "bad mood" mode naming tatlo ng papa ko, sis, at ako nung pauwi pa lang kami galing shop. Yung kapatid ko pinadala ko ng guitar pero ayaw niya. Badtrip ako. Sabi alis na ko, so sumakay ako ng motor, pinaandar yun, at umalis. Sinigawan ako ng papa ko, nainis ata sa ginawa ko. Eh di balik uli ako. Sabi niya sasakay daw sa kin ang sister ko, pero di ako nakikinig kasi badtrip na ko. 1 minuto pa lang akong naghihintay sa kapatid ko na nasa loob pa ng shop kasi kinukuha pa yung mga libro niya, sinigawan ko na siya. Para namang na-badtrip din yung kapatid so padabog siyang lumabas ng shop at sumakay sa motor. Pag-upo pa lang niya, pinaandar ko na yun motor sabay sabing, "Alis na kami."

Habang nasa biyahe, wala kaming kibuan ng kapatid ko.

Pagdating sa bahay, parang normal na lahat. Nagkukwentuhan pa nga kaming lahat eh, yung parang typical lang na gabi kung saan nagtsitsismisan kaming lahat. Me nabanggit si papa na "Pagod na pagod ako." Kasi nga buong hapon siya sa shop tas nga tennis pa nung hapon.

Tinawag na kami ng auntie ko para maghapunan.

So nasa lamesa na kaming lahat. Ako nagsasandok na ng kanin. Si papa humihigop ng sabaw. Napansin kong wala nang sabaw na natira sa mangkok kaya sinabihan ko si papa na "Pa, wag mong ubusin yung sabaw!" Para namang nasaktan ng konti si papa at biglang binaba yung malaking tasa ng sabaw. Sabi niya, "Penge ngang kutsara!" (kasi walang kutsara yung mangkok ng ulam eh, alangan namang kamayin niya). Ako naman, me hawak na kutsara, pero ginagamit ko kasi nilalagyan ko ng sabaw yung kanin ko. Tas yung kapatid ko naman, nasa gilid lang ni papa at kumukuha ng kutsara.

Sabi ko, "Lak, kutsara daw." (Oo, nagtatagalog rin kami sa bahay.)
Eh yung kapatid ko maxadong ek-ek, namimili pa ng kutsara, eh di yun natagalan. Ako naman nagsasabaw pa rin. Nainis na si papa. Sinigawan na ko. Sabi niya ang arte ko daw, at inuuna ko daw sarili ko kasi di ko man lang daw mapahiram yung kutsara. Eh ako, mejo inis na rin (sa kapatid ko), at di ko alam kung bakit ganito ang lumabas sa dila ko, "Katabi mo na yung lalagyan ng kutsara, bat di ka pa kumuha?"

KABOOM!

Nagexplode na si papa. Nagalit na. Sobra daw akong makasagot. Kung pwede lang daw akong saktan, gagawin niya. Ako naman, wa epek sa kin yung sinabi niya kaya sumagot ako ng "Ginagamit ko pa yung kutsara ko eh!" (Mejo mataas na rin boses ko)
Sumigaw si papa, "SABA NA!" (Shut up!) Isa pa - " Sabay tayo at ambang sasaktan ako. Napaatras ako.

Gulat talaga ako. Di ko alam kung nasobrahan ba ko sa pagsagot, o bka badtrip lang talaga si papa kaya nagalit. Kasi lagi ko namang sinasagot ng pabalagbag yun, pero di naman siya ganung magalit. Sumabat si Auntie, sabi niya "Sakto na, ajaw na pagtubag (tama na, wag ka nang sumagot). So ang ginawa ko na lang eh, nag "aherm" nang malakas. Aba't sinabihan na naman ako ng "Isa pa!" Ayun, tumahimik na ko't di na nagsalita pa.

Kumain ako nang mabilis. Pagkatapos, ngMP3. Di ko alam kung iiyak ba ako o magmamatigas. I chose the latter. Hindi ako iiyak sa ganun, sabi ko sa sarili ko. Ayun, simula nun, wala na kong narinig na sinabi sa kin si papa kundi pamumuna sa mga ginagawa ko. Kesho daw "Magaling ka lang sa pagpulot" nung kumakain kami ng indian mango, tsaka "Porket me pambili ng ulam, di na kagad magbabaon". Hanggang sa kanina nang ihatid niya ko sa work, wala pa rin kaming kibuan.

Salamat sa pagbasa. =)
__________________


I LOL'D.
삳 압. 유 아 이스투피드.
Azumi is offline   Reply With Quote