Fandom Forums - View Single Post - Official Tambayan at NL (Filipino Thread)
View Single Post
Old 09-26-2009, 10:30 PM   #6604
Azumi
유아쿨입유캔리드디스
 
Azumi's Avatar
 
Join Date: Oct 2005
Location: In the land of rubbershoes and dirty ice cream... ;o)
Posts: 3,703
Thanks: 731
Thanked 356 Times in 273 Posts
Azumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really niceAzumi is just really nice
Re: Official Tambayan at NL (Filipino Thread)

@Xei: Malamang, isa na naman sa mga magigiting na irog ni Ralphee. Marami yatang mga man-whore si Ralph, kaya siguro naging super emo to da maxx.

Okay, so kanina naisip kong mag-post ulit ng Bob Ong story, kaya lang ginagamit pa kanina ni papa (mahilig siyang magbasa pag dumudumi) kaya nakalimutan kong dalhin ngayon. Pasensya na mga fans, hindi ko kayo muna makikwuentuhan ng mga kuwentong-kalye ni BobOng.

Anyways, ako naman merong maikekwento. So kagabi ay ang Homecoming ng Alma Mater ko, ang Saint Michael College. Pumunta kami ng papa ko, kasi isa rin siya sa mga loyal alumni ng institusyong iyon. Masaya; may live band (seksi nung singer!), may disco at may celebrity guest rin, si Mr. Rannie Raymundo (alam ko, di nyo kilala. Ako rin 'di ko rin siya kilala. Siguro si Pepper kilala yun, magkasing-edad lang yata sila, eh.)


Hindi ko siya kilala pero ganitong-ganito itsura niya. =)


Okay, back to story...

Ang saya! Grabe ang mga tigulings (matatanda), sobrang hyper at ang lalandi. Nagpapicture pa kay Rannie! Ang landi! (After 3 songs nagpapicture din kami ng friends ko. Sa sobrang landi ko nabigtas ang strap ng suot kong sandal. P***, nakakahiya. Buti na lang may extrang sandals na dala ang friend ko. Hindi ko pa yun nasasauli.)

Tapos may live band. Sumayaw na kami sa dance floor. Okay na sana eh, pero alam mo kung anong malaking KJ dun...? Yung mga kasama ko, para silang naglalaro ng Sasara ang Bulaklak, Bubuka ang Bulaklak! P*** ulit! (Note: Hindi naman talaga ako nagmumura nang ganoon irl. Don't worry mga kids, pa-epek lang yun.) Nakaformation sila ng isang MALAKING BILOG... I was like WTF... Ganito ba talaga silang magdisco? Kulang na lang mag-Nanay Tatay kami, o kaya yung larong nabanggit ko kanina. Kaya ang ginawa ko, dinirty dance ko na lang yung dating co-teacher ko na lalake at nagpartner kami sa sayaw... Solve na ang KJ problem... =D

Ayun, inabot kami ng ng madaling araw sa disco-han. Pati si papa parang ayaw pang umuwi. Dammit, sana maulit uli ang Homecoming. . . Kayo nag-Homecoming na ba kayo...?
__________________


I LOL'D.
삳 압. 유 아 이스투피드.
Azumi is offline   Reply With Quote